glendy's blog

Tuesday, February 26, 2008

Rate My Life

This Is My Life, Rated
Life: 7.4
Mind: 7.5
Body: 6.1
Spirit: 5.6
Friends/Family: 7.1
Love: 9.1
Finance: 6.3
Take the Rate My Life Quiz

Wednesday, February 13, 2008

Hopeless

As the wind touches the leaves
fits of confusion would come in heaves
how could you be so insensitive
that you can't see all i give

I may jump into conclusion
but you only came into illusion
would this grow into a relation
or it may end into a rejection

Give me a concrete answer
to distrust what is linger
am I the one who is sinner
or just a stupid young dreamer

Created last: January 26, 2000

Rosas


Humahalimuyak, bulaklak sa hardin
umaakit dahil mayro'ng bango mandin
ang kanilang mga kulay ay gayundin
kasingganda't tamis ng ngiti sa hangin

Marahil ganito aking nadarama
puno ng sigla't sadyang masaya
tulad ng bulaklak, ngiti ko'y sadya
inaalay ko sa paru-parong gala

Aking paru-paro, iyo ngang aminin
sabihin sa akin ang iyong damdamin
anuman ang iyong gawin at bigkasin
hayaan mong ikaw ay aking ibigin.

Created last: December 27, 1999

Tuesday, February 12, 2008

Tunay Nga Ba?


Dati na akong umasa
sa iyo ako humanga
pero wala akong napala
at sa'yo rin napaluha

Ngunit dumating 'sang sulat
sa kaayusan ay salat
nagbigay sagot sa lahat
tunay bang sa puso buhat?

Naghahayag ng paghanga
at iyong pag-aaruga
bigla akong natulala
tunay ngang nag-aalala

Baka ako'y niloloko
o sadya bang ginugulo
Pero ito ba'y totoo?
at nagmula sa puso mo?

Ngayon ako'y nalilito
anong kahulugan nito
magtatanong na nga ako
tunay bang ako'y mahal mo?

Created last: December 18, 1999

Mangingibig


Mata mo'y nangungusap
sa aking pusong ganap
pawiin yaring ulap
gayahi'y alitaptap

Bigkasin ang pag-ibig
sumandal sa'king bisig
namutawi sa bibig
isa kang mangingibig

Hawakan aking palad
at hingin ang 'yong hangad
sa makata'y tumulad
huwag kang maging huwad

Magmasid sa paligid
sa hangi'y umaligid
tunay ka ngang masugid
kung aalpas sa balakid

Created last: December 15, 1999

Panaginip?


Simoy ng hangin ay nararamdaman ko
sana ay narito ka at katabi ko
umaasa akong ika'y kausap ko
pero limot mo na yata ang ngalan ko

Dati-rati'y tayo'y magkasama
nagtatawanan at sobrang saya
ngunit bakit ngayo'y naglaho na
lambing mo na dati'y anong sigla

Ano ang nangyari? Bakit ka nagbago?
anong kasalanan? may nagawa ba 'ko?
ang mga pangarap ay biglang gumuho
ito ba ay muli nating mabubuo?

Lubhang naguguluhan ang aking isip
ngalan mo pa rin sa hangi'y umiihip
mahal na Diyos, liwanagin mo ang isip
sabihing ito'y isa lang panaginip

Created last: December 11, 1999

Buhay na Manika


Nagmula ito sa iba't-ibang bagay
dito'y isang modelo'y nakasalalay
malawak na ideya ang siyang gabay
matapos ko kaya, ano sa palagay?

Pinag-iisa kong mga materyales
mga pandikit ang siyang bumibigkis
dekorasyon nito ay paekis-ekis
mali na ba 'to, o medyo lumilihis

Asul ang kulay, para sa kalayaan
loob ay puti, wala ang kasamaan
mata'y nagsasabing walang kasalanan
medalya ay tanda ng kadakilaan

Wala sa aking diwa at kamalayan
na ako pala'y gumawa at naglaan
mga modelong para sa mamamayan
sila'y dakilang Pilipino ng bayan

Ito ay isang imahen o modelo
ng ating mga bayaning Pilipino
na sa kaguluhan ay nakikihalo
upang kalayaan ay ating matamo

Mayroon din namang ibang bayani
panulat niya'y hawak-hawak palagi
Jose Rizal, Apolinario Mabini
sila ay kilala ng nakararami

Mayroong kung tawagin ay bagong bayani
OCW na ubod na nang dami
isinasantabi mga dalamhati
para may ipanggastos o ipambili

Kapakanan ng bayan ang inaasam
upang kalagayan ng kapwa'y uminam
mga luha natin siyang inaalam
upang ating kahirapan ay lumamlam

Yan ang sinisimbolo ng aking manika
dakilang Pilipino ng ating dekada
wala man sa ayos o nakakahiya
malalim ang ideyang dulot ay saya.

Created last: September 4, 1999

Pribado Kong Buhay


Ako ay nagtaka nang aking mapuna
na tao nga naman ay ibang-iba na,
di tulad ng dati, kung anong nakita
s'yang pinupuri, tunay na sinasamba

Tao palibhasa, ubod na sa dunong
daigdig kong pribado s'yang isusulong
di iniisip laman ng aking puso
pinipilit alamin ang ukol dito

Personal na sikreto'y manaig sa nyo
karapatan ng iba ang nais ninyo
sana'y bigyang pansin at irespeto nyo
mundo kong pribado at ng ibang tao.

Created last: October 17, 1995

Alay Sa Inyo


Kayo ang nagsilang at s'yang nag-aruga
sa akin nung ako ay isa pang bata
ngayong ako'y sadyang nagdadalaga na
ay nandoon pa rin ang inyong suporta

Pa'no nga ba makakaganti sa inyo
magulang kong wala man lang ipinagbago
alagang mula sa inyong di naglalaho
dahil dito sa inyo ay may pangako

Pag-aaral lubhang pagsisikapan ko
kayamanan ito 'yan ang sabi ninyo
ipagmamalaki at ikatut'wa nyo
ang aking medalya na alay sa inyo

Created last: December 12, 1998

Pangako ng Paalam


Mula pagkabata'y laging magkasama
away-bati sino bang mali o tama
sa anumang bagay tayo'y magkasangga
dahil dito ay nag-ugat ang paghanga

Mula noo'y naging laman ka ng puso
at naramdaman ko sayo'y may pagsuyo
tandang-tanda ko pa ang ating pangako
sa isa't-isa ay hindi magbabago

Dumating ang araw tayo'y nagkalayo
luha sa aking mata'y di maitago
at sa aking paglisan bao'y pangalan mo
pangako mo sana'y di pa rin maglaho

Lumipas mga araw, buwan at taon
pag-ibig ko'y di nalimot mula noon
pilit iningatan anumang panahon
at ninais ring makita ka sa ngayon

Bitui'y nakinig sa aking pagsamo
ikaw ay bumalik mula sa malayo
niyanig mo ang buo kong pagkatao
sambit ko'y ika'y nanatili sa puso

Akala ko'y pag-ibig pa rin ay akin
ngunit pagsuyo mo'y iba ang umangkin
tuluyang nag-iba ang iyong damdamin
pangako nati'y di na kayang tuparin?

Tulong ng Diyos ang siyang inaasam
ngayon sa aking puso'y may agam-agam
tuluyan kang limutin ang siyang mainam
at sadyang sambitin salitang "paalam"

Created last: April 8, 1998

Start of New Blogs

Aside from computers & internet, mahilig talaga akong magsulat ng poems & lots of literary stuffs..Pero lahat ng gawa ko nakatago lang sa baul..hehhehe..One of my good friends (Sheryl) told me na ipopost nya daw poems ko sa blog nya, with my name as the author..kaya lang naisip ko, why not in my own blog??!! So, hinanap ko ang mga tulang nakasulat sa isang NOTEBOOK at ngayon uumpisahan ko ang aking New Blogs..Just leave a comment pag nabasa nyo..tnx..