Buhay na Manika
Nagmula ito sa iba't-ibang bagay
dito'y isang modelo'y nakasalalay
malawak na ideya ang siyang gabay
matapos ko kaya, ano sa palagay?
Pinag-iisa kong mga materyales
mga pandikit ang siyang bumibigkis
dekorasyon nito ay paekis-ekis
mali na ba 'to, o medyo lumilihis
Asul ang kulay, para sa kalayaan
loob ay puti, wala ang kasamaan
mata'y nagsasabing walang kasalanan
medalya ay tanda ng kadakilaan
Wala sa aking diwa at kamalayan
na ako pala'y gumawa at naglaan
mga modelong para sa mamamayan
sila'y dakilang Pilipino ng bayan
Ito ay isang imahen o modelo
ng ating mga bayaning Pilipino
na sa kaguluhan ay nakikihalo
upang kalayaan ay ating matamo
Mayroon din namang ibang bayani
panulat niya'y hawak-hawak palagi
Jose Rizal, Apolinario Mabini
sila ay kilala ng nakararami
Mayroong kung tawagin ay bagong bayani
OCW na ubod na nang dami
isinasantabi mga dalamhati
para may ipanggastos o ipambili
Kapakanan ng bayan ang inaasam
upang kalagayan ng kapwa'y uminam
mga luha natin siyang inaalam
upang ating kahirapan ay lumamlam
Yan ang sinisimbolo ng aking manika
dakilang Pilipino ng ating dekada
wala man sa ayos o nakakahiya
malalim ang ideyang dulot ay saya.
Created last: September 4, 1999
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home